Wednesday, October 21, 2015

LRT at MRT



Sa panahon ngayon na halos palaging may traffic na inaabot ng ilang oras, kailangan ng mga tao ng sasakyang kayang ihatid sila sa mga destinasyon na pupuntahan nila. Sasakyan na walang aberya at mabilis, ito ang kailangan nila. Nakamit nila ito, ngunit bakit parang panandalian lamang iyon at sumablay ang minimithi nilang pampublikong sasakyan? Dahil mas pinalalala na nito ang problemang hinaharap ng mga tao.


Masikip, mainit at mahabang pila halos palaging yan ang mga salita na maririnig sa mga taong nakaranas ng byahe sakay ang mga pampublikong sasakyan na LRT at MRT. Kapag may nangyayaring aberya imbis na bente minutos lang ang byahe nagiging isang oras, at dahil doon madalas na nahuhuli sa eskwelahan at sa trabaho. Ngunit paano kung may isa pang problema na dadagdag sa mga ito?

Ang dagdag pamasahe, ang panibagong haharapin ng mga taong sumasakay sa LRT at MRT. Ito daw ay sa kadahilanang mapaayos at walang aberya ang takbo ng sistema ng pampublikong transportasyon. Sa pamamagitan nito magagawa ng mabilis ang transportasyon ng mga ari-arian at kalakal, hindi na aksaya sa oras, walang masasayang na gasolina at higit sa lahat walang polusyon.

Tama ang ginawa gobyerno, dapat talaga ang pagtaas ng kaunti ng pamasahe, dahil para rin ito sa mga taong gagamit at makikinabang dito. Gamit ang mga nalikum na pera mapapaayos at mabilis ang LRT at MRT kaya kailangan talaga ito dahil minsan hindi sapat ang nilalaan na pondo na binibigay ng gobyerno para dito, lalo na’t namomroblema sila ngayon. Ngunit ang pagkakamaling ginawa nila ay ang hindi pagpapatupad na mapaayos ang pampublikong transportasyon na ito kahit na may nalilikom na pera galling sa pagtaas ng pamasahe.

Kailan nila ito sisimulan? Bakit hanggang ngayon wala paring pagbabagong nagaganap?

Kaya madaming nagrereklamo at nagrarally dahil hindi tinupad ng gobyerno ang pinangako nilang magandang serbisyo ng LRT at MRT, gamit ang mga nalikom na pera mula sa mga mamamayan. Paanong hindi magagalit ang mga mamamayan kung ang sinasakyan nilang dapat nagpapadali ng kanilang buhay ay nagpapahirap sa kanila. Siksikan, mainit at palaging puno, minsan hindi pa gumagana ang mga makina para sa card pass tapos nadagdagan na nga ang pamasahe hindi pa rin napapaayos, ang mga problema ay palala ng palala.


            MRT at LRT, sasakyang pampubliko na mabilis at nakaiiwas sa traffic dahil may sariling daan. Ngunit dahil sa dami ng tao na nais sumakay dito at sa hindi magandang serbisyo ng sasakyang ito, nadadag-dagan ng mga aberya sa pang-araw-araw na pagpasok ng mga commuters. Sinabi ng gobyerno na mapapaayos ang pampublikong sasakyan kung magtatataas ng pamasahe, ngunit hindi natupad at nadagdag lang sa mga problema.

7 comments:

  1. Tama yan! Kaya kung hindi ito masosolusyunan ng administrasyon ngayon, iyong susunod mahahalal dapat.

    ReplyDelete
  2. Tama! Dapat na itong solusyonan

    ReplyDelete
  3. magaling 😀👍👍👍👍👍

    ReplyDelete
  4. Dadating din ang tamang panahon para dyan. Malay natin, sa susunod na pala.

    ReplyDelete